Tuesday, April 3, 2012

Isang Araw Sa Maynila...


Ako'y pumunta sa Lungsod ng Maynila
Upang pumila sa Itim na Nazareno
At nang naroon, narining na rin ako ng misa
sa matandang simbahan sa Quiapo

Pagkatapos noon, bumisita ako sa
makasaysayang pook ng Intramuros
Doon nakita ko ang mga pinagtapakan
ni Rizal nang siya'y papaalis sa kanyang kulungan
Nakita ko rin doon ang damit at ang mga sulat na kaniyang
ginamit sa kaniyang natitirang mga araw

Matapos noon, pumunta naman ako sa masayang Manila Zoo
Nakita ko ang mga hayop na naglalakihan at ang mga ibon naman
na puno ng magagandang kulay
Doon nalaman ko kung gaano ka importante ang kalikasan
para sa atin at ang mga hayop na rin

Panghuli, ako'y bumisita sa Luneta upang makita ang
mataas na monumento ni Rizal
Doon din matatagpuan ang pinakamataas na tagdan ng watawat ng Pilipinas
Marami akong nakain na pagkain doon habang pinapanood ang fountain na sinusunod ang tugtog ng
musika na inilikha ng mga Pinoy.

Sa isang araw na iyon nakita ko ang kahalagahan ng ating bansa
Nalaman ko na kailangan natin isapuso ang ating kasaysayan at ang 
ating nasyonalidad.

Kaya'y tayong mga Pilipino ay dapat tangkilikin ang kahalagahan ng ating bansa
Mabuhay ang Pilipinas! :-)

3 comments:

  1. Mabuhay ang mga manunulat na katulad mo. So proud of you, kid!

    ReplyDelete
  2. oo ng ang gana ng mga tula na gumawa nito

    ReplyDelete
  3. Mabuhay kang makata sa napakaganda mong tula

    ReplyDelete