Tuesday, August 21, 2012

Kape o Kapé?

KAPE: Maaga kang nagigising sa umaga dahil papunta ka ng trabaho o paaralan. Kahit ano pa ang gusto mo, matamis o matapang, pareho ay napakasarap. Napakasarap ang ganitong klaseng kape dahil purong-puro at MURA pa.

KAP
È: Gabi na. Pagod na pagod ka na. Sa kaliwang kamay, may hawak kang laptop (specifically: MacBook). Sa kanan naman, isang munting aklat. Pumasok ka sa isang Coffee Shop at nag order ka ng  isang Le Grande Il Puro La Americano con Chocolate la Itlog. Umupo ka sa isang sulok kung saan katabi mo ang bintana at pag ika'y makita ng mga kaibigan mo aakalahin nilang puno ang kamay mo dahil may laptop ka na nga tapos nagbabasa ka ng aklat tapos umiinom ka pa ng Le Grande Il Puro La Americano con Chocolate la Itlog. Pero yun pala, nagyayabang ka lang at nagmumukha kang ewan na umiinom ng kape na napakamahal tapos hindi pa masarap.

O ano ang pipiliin mo? Kape o Kapé?

1 comment:

  1. depende sa panlasa ng tao yan. kung walang budget, mag-kape ka sa bahay. may Macbook ka kamo? e di kaya mo ring mag "kapé" sa Starbucks, shucks!

    ReplyDelete