Monday, April 9, 2012

Easter Sunday.

 Nagsimula ang Easter Sunday ko sa malakas na pagkatok ng lolo ko sa pinto. Sabi niya na kakain daw kami sa KFC. Sobrang nainis ako dahil nakakasawa na ang manok lalo na ang KFC. Dahil doon, walang lasa ang manok na kinain ko sa KFC at yung kanin sobrang malasa kaya na-overpower niya yung lasa ng manok kahit gaano pa kadaming gravy ang inilalagay ko. Unang nakasaira sa araw ko ang tanghalian ko sa KFC. Sumunod, nagsimba kami (as usual dahil Easter Sunday). Sa puntong natapos na ang Misa, kumain kami ng Fishball at Barbecue sa tabi-tabi. Natuwa naman ako na nakakain ako ng katakam-takam na pagkain. Tumungo pamilya ko sa Eastwood para kumain ng merienda at magtingin-tingin. Nag-merienda kami sa McDonalds kaya mas natuwa pa ako dahil paborito ko ang McDo. Ang problema lang sa Eastwood ay napakaraming tao dahil may Easter Egg Hunt pa silang ginawa para sa mga bata. At ang napakasarap na nakain ko sa buong araw na iyon ang Steak sa House of Mini's sa Libis :) Siguro yun lamang ang naging highlight noong araw na iyon. At matapos na kaming mag-dinner. Nag-inuman pa ang mga magulang ko. Umabot kami ng 1am doon. Sa katapusan ng araw na iyon, napangiti ako sa napakasayang Easter Sunday! :)

1 comment:

  1. Anu pa man din ang iyong kinain, pagpapasalamat ay nararapat isipin. Mapa-KFC, Macdo o Jollibee, bakit, ikaw ba ang bumili? Libreng pagkain saan mo pupulutin, lalo na't nagmamahal sa'yo ang naghain!

    ReplyDelete